Daraanan ng ASEAN delegates, nililinis na

BILANG paghahanda sa pagdating ng mga delegado at head of state na dadalo sa ASEAN Summit, abala ngayon ang pamunuan ng Manila Traffic Parking Bureau (MTPB) sa pagsasagawa ng clearing operation sa Maynila.

Katuwang ng MTPB ang Manila Task Force Clean Up, Department of Public Safety, Park and Developments Office sa pagtaboy sa mga vendor sa area ng Baywalk Roxas Blvd., Roxas Blvd. Service Roads, TM Kalaw, UN, Padre Faura, Pedro Gil, Quirino Ave., Vito Cruz, Lawton sa paligid ng Manila City Hall at Malate at Ermita, Manila.

Ayon kay MTPB Chief Dennis Alcoreza, hindi lamang ngayon isinagawa ang clearing operation sa mga lugar lalo na sa kahabaan ng Roxas Blvd. dahil nais ng pamahalaang lungsod ng Maynila na maisaayos ang mga daraanan ng mga sasakyan subalit sadya aniyang makulit ang ilang mga vendor at bumabalik pa rin sa kalye upang magtinda.

Umaasa naman si Alcoreza na makikipagtulungan ang mga vendor sa mga awtoridad at lokal na pamahalaan upang maging malinis at maayos ang daraanan ng mga dadalo sa 31th Asean Summit. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply