Digong pinulong ang pamilya ng Maguindanao massacre victims

NAKIPAGKITA kagabi si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pamilya ng mga biktima sa Maguindanao massacre.

Kahapon ang ika-walong anibersaryo ng massacre na naganap noong November 23, 2009.

Sa nasabing pulong, tiniyak na magkakaroon ng bagong set ng mga prosecutor o taga-usig ng pamahalaan na hahawak sa kaso ng mga nabiktima ng Maguindanao massacre.

Sa kabilang dako, ang mga pamilya na nakipagpulong kay Pangulong Duterte ay sina Zenaida Duhay, ina ni Jose Duhay ng Gold Star Daily; Juliet Evardo, ina ni UNTV editor Jolito Evardo; Ma. Cipriana Gathalian, asawa ni Santos Gatchalian, Jr. ng Metro Gazette Davao; Glenna Legarta, asawa ni Bienvenido Legarta ng Koronadal City’s Periodico Ini; Arlyn Lupogan, asawa ni Linda Lupogan ng News Media Gazette; Mary Jean Merisco, asawa ni Rey Merisco ng Periodico Ini; Naomi Parcon, asawa ni Joel Parcon ng Prontiera News; Ramona Salaysay, asawa ni Napoleon Salaysay ng Mindanao Gazette; Catherine Nunez, ina ng UNTV reporter Victor Nuñez ; Alejandro Reblando, Jr., anak ni Manila Bulletin’s Alejandro Reblando; Edith Tiamzon, asawa ni Daniel Tiamzon ng UNTV; at Erlyn Umpad, ina ng minor child ni UNTV’s McDelbert Arriola.

Naging saksi naman sa pulong ni Pangulong Duterte sa pamilya ng Maguindanao Massacre Victims sina Justice Sec. Vitaliano Aguire at Presidential spokesperson Sec. Harry Roque. KRIS JOSE

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply