DoJ Secretary Aguirre pasok sa senatorial lineup ng PDP Laban

HIHIMUKIN ni House Speaker Pantaleon Alvarez si Pangulong Rodrigo Duterte upang mapasama sa senatorial line-up sa 2019 ng PDP-Laban si Justice Secretary Vitaliano Aguirre.

Ito ay kabilang sa binanggit ni Alvarez sa kanyang mensahe bilang guest speaker sa 81st anniversary ng National Bureau of Investigation.

“Susuportahan ko po yung kandidatura ni Vit Aguirre. Kakausapin ko po ang ating Pangulo kung pwede ipahiram muna si Sec. Vit Aguirre sa Senado upang bumilis –bilis naman ang pagpasa ng mga batas doon,” sinabi ni Alvarez.

Binanggit ng speaker na sa mahigit 100 panukalang batas na inaprubahan ng Kamara at naendorso sa Senado matapos ang First Regular Session ng Kongreso ay nasa 10 lamang ang naisabatas.

Sa rami aniya ng pagbabago kaakibat ng pagbabago na ipinangako ni Pangulong Duterte sa iligal drugs at kriminalidad ay marami pa rin aniyang dapat na maging aksiyon ng Kongreso lalo na sa poverty alleviation, traffic, at mabilis na pagkilos ng pamahalaan.

Bukod kay Aguirre ay naisama rin sa mga naunang naipahayag na posibleng mapasama sa senatorial line-up sina Presidential Spokesperson Harry Roque at Assistant Secretary Margaux “Mocha” Uson, Rep. Karlo Nograles (Davao City), Rep. Alfredo Abelardo Benitez (Negros Occidental), Rep. Geraldine Roman (Bataan) at dating Metropolitan Manila Development Authority Chairman Francis Tolentino.

Sinabi pa ni Alvarez, PDP-Laban chairman na si Mocha ay magiging isang malakas na kandidato sa pagka-senador. MELIZA MALUNTAG 

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply