DOLE-Labor compliance inspection sa mga rehiyon, suspendido muna

PANSAMANTALANG sususpindehin ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagsasagawa ng labor compliance inspection sa mga rehiyon ngayong holiday season.

Ayon kay Labor Undersecretary Joel Maglunsod, ang pansamantalang pagtigil sa labor inspection ay magkakabisa mula Disyembre 8, 2017 hanggang Enereo 7, 2018.

Ang desisyon ay ginawa ng DOLE bilang pagsasaalang-alang sa “delikadeza” para maiwasan ang mga alegasyon ng panunuhol sa panahon ng holiday season.

Iniiwasan umano nila na maparatangan ang mga labor inspector na namamasko sa mga negosyante.

Paglilinaw naman ni Undersecretary Dominador Say, tatapusin pa rin naman ng mga labor inspector ang kanilang mga assignment at magsusumite ng resulta ng inspeksyon bago magsimula ang moratorium o suspensyon sa labor compliance inspection. MACS BORJA

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply