DOTr Usec. Chavez, nagbitiw sa puwesto

WALA na talagang nakapigil pa sa desisyon ni DOTr Usec. for Rails Cesar Chavez na magbitiw sa puwesto sa gitna ng mga kontroberyal na aberya sa MRT-3.

Sinabi ni Chavez na maluwag sa kanyang dibdib ang kanyang naging desisyon.

Nais din niyang bigyan ng malayang kamay si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na magtalaga ng kanyang magiging kapalit para makatulong sa DOTr.

Pumiyok naman ito na hindi niya kayang resolbahin ang problema ng MRT dahil ang kailangan aniya rito ay isang team at hindi isang lider na may suporta mula sa pamahalaan.

“Kailangan talaga na may collective team, collective decisions para sa mabilis na gawa. Isang team na workable na strong, may presence. Kailangan na minimize ang impact ng aberya o problema ng MRT.AT hindi ko ito kayang gawin,” ani Chavez.

Samantala, pinasalamatan naman ni Chavez si Pangulong Duterte sa tiwalang ibinigay sa kanya at kumbinsido siya aniya na walang dapat na excuses sa mga kapalpakan sa serbisyo sa bayan

Bago ito ay nanindigan si Chavez na gumanda ang serbisyo ng MRT-3 sa ilalim ng Duterte administration mula ng mag-take over sila sa puwesto.

Binigyang-diin ni Chavez na tanging ang kaso ni Angeline Fernando na naputulan ng kamay dahil sa aksidente at ang pagkakakalas ng bagon sa tren ng MRT. KRIS JOSE

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply