DULING NA MALASAKIT SA KARAPATANG-PANTAO (2)

ITULOY natin ang pagtalakay sa kawalan ng aksyon ng CHR, CBCP, ni Bise-Presidente Robredo, ng mga dilawang senador, lalong-lalo na sina De Lima, Hontiveros at Trillanes, Tindig Pilipinas, LM, human rights groups at bloggers ng Liberal Party sa mga pagpatay ng mga miyembro ng NPA, gaya ng sinapit ng walong buwang sanggol sa Bukidnon.

Ito’y sa kabila ng katotohanan na alam nilang tahasang nilabag ng NPA ang karapatang-pantao ng 8-buwang-gulang na bata.

Ang tawag ko rito ay “duling” na malasakit sa karapatang pantao.
Hindi dapat duling ang pagpapakita ng malasakit ng anomang organisasyon at sinomang indibidwal sa karapatang-pantao ng lahat ng Filipino.

Dapat pantay-pantay. Dapat walang kinikilingan, kakampi man ng pamahalaan o kalaban.

WALANG TIGIL NA PAGMAMALASAKIT

NASA ikaapat na taon pa lamang si Mayor Oscar Malapitan sa pamahalaang lokal ng Caloocan, parang higit sa apat na taon ang kanyang mga nagawa.

Ang pinakabago sa mga proyekto ni Malapitan ay ang pagbibigay ng libreng konsultasyon at gamot sa mga residente ng lungsod na may problema sa balat.

Katuwang ni Malapitan ang Philippine Dermatological Society sa pagmamalasakit niya sa mga residente ng lungsod.

Hanggang sa Linggo isinasagawa ang proyekto sa Glorietta Tala, North Caloocan.

Ang nasabing proyekto ay bahagi ng National Skin Disease Detection and Prevention Month na may layuning matulungan ang mamamayan na malunasan ang kanilang problema sa balat tulad ng pangangati, psoriasis at eczema.

Hangad din ng PDS na mabigyan ng kaalaman ang mga residente hinggil sa tamang pangangalaga sa kanilang balat.

***
Problema at hinaing n’yo, itawag o i-text sa: 09985650271. BADILLA NGAYON/NELSON BADILLA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply