Duterte, dismayado kay Santiago

PUMIYOK si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na nadismaya siya kay dating Dangerous Drugs Board (DDB) Chairman Dionisio Santiago kaya’t pumayag na siyang magbitiw ito sa puwesto.

“Nilagay kita dyan hindi para magpa-interview sa press…nilagay kita dyan para sabihin sa akin ang dapat gawin sa problema sa droga” ani Pangulong Duterte kanyang departure press conference bago tumulac patungo sa APEC Summit sa Da Nang, Vietnam.

“Kung may problema siyang nakikita dapat ay kinausap niya ako ng direkta”, ani Pangulong Duterte.

Inamin ng Pangulo na noong una ay inaasahan niyang magiging maayos sa trabaho si Santiago dahil naging pinuno siya ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa nakalipas na administrasyon.

Kung dati umano ay ipinakita ni Santiago ang kanyang tapang lalo na sa kanyang mga tauhan na sangkot sa iligal na droga dapat ayon kay Duterte ay ipinagpatuloy niya ito bilang pinuno ng DDB.

Sa kanyang pagbabalik mula sa APEC Summit ay pipili ang pangulo ng magiging permanenting pinuno ng puwesto na iniwan ng dating heneral. KRIS JOSE

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply