Embalsamador nagbigti sa punerarya

NAGBIGTI sa pinapasukang punenarya ang isang binatang embalsamador sa Camarines Sur kaninang Linggo ng umaga.

Nakilala ang biktimang si John Lloyd Salvo, 18, ng Capilihan St., Brgy. Calauag sa lungsod ng Naga na pinuluputan ng alambre ang leeg saka nagbigti.

Sa ulat, nadiskubre ang insidente alas-6:20 ng umaga sa loob mismo ng St. Titus Funeral services sa Pili, Camarines Sur.

Blangko pa ang Pili PNP, hinggil sa motibo ng pagpapakamatay ng biktima na nakatakdang isailalim sa awtopsiya. BOBBY TICZON

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply