‘Endo’ sa NAIA building attendants tutuldukan na

MAGKAKAROON ng bagong employment status ang mga building attendants sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at makatatanggap na ito ng mga benepisyo base sa napagkasunduan sa pagitan ng Manila International Airport Authority (MIAA) at service providers na nanalo sa bidding.

Simula sa December 16, 2017, lahat ng job order personnel (JOP) na may kabuuang bilang na 1057, sa apat na terminal ng NAIA ay makatatanggap na ng 13th month pay, health benefits, at Social Security System (SSS) contribution sa susunod na buwan.

Ayon kay MIAA General manager Eddie Monreal, bahagi ito ng plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na wakasan ang “endo” partikular sa mga tanggapan ng gobyerno.

Ang bidding ay isinagawa nitong nakarang Oktubre sa pamamagitan ng open competitive procedures kung saan ang tatlong magkakaibang winning bidding bidders para sa terminals 1, 2, 3, at 4, ay sumang-ayon na ibigay ang mga nararapat para sa mga building attendants.

Kabilang sa mga sinang-ayunan ay kailangang tuloy-tuloy ang status ng manggagawa sa loob ng tatlong taon at ang kontrata ay maaaring mai-renew maliban lang kung ang empleyado ay may mga nilabag at habitual absenteeism.

Ayon pa kay Monreal, ang bagong kontrata ay walang age limit. Maaaring makapag-apply ang isang may edad na kaya pang makapagtrabaho. Pinayuhan din ng MIAA ang winning bidders na ikonsidera ang mga manggagawa na may mga seryosong violations na hanggang anim na buwan bago sila pakawalan.

Mayroong 356 building attendants sa terminal 1, 272 naman sa terminal 2, sa terminal 3 ay 372 habang 57 sa terminal 4.

Karamihan sa mga building attendant ay may sampung taon na sa NAIA at ang iba naman ay halos 15 taon ng nililinis ang mga palikuran ng pangunahing paliparan ng bansa. BENNY ANTIPORDA

 

 

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply