Estratehiya ng pangulo sa sigalot sa South China Sea, suportahan

SUPORTA at hindi pagbatikos ang kailangan ng administrasyon para sa “non-confrontational strategy” ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkuha ng pagkakasundo sa ASEAN Code of Conduct sa isyu ng sigalot sa South China Sea.

“’Di gaya ng mga kritiko na puro batikos at haka-haka lamang ngunit walang namang access sa mga classified intelligence hinggil sa mga tunay na taya sa South China Sea at sa galaw ng China at ng iba pang claimants, batid ni Pangulong Duterte ang tunay na sitwasyon sa ASEAN region,” apela ito ni Iligan Lone District Rep. Frederick Siao.

Tinukoy ng mambabatas ang aniya’y kakaibang political skills, negotiation abilities, at personal rapport ni Pangulo Duterte sa mga heads of state ng ASEAN kabilang na sa lider ng China.

Umaasa ang kongresista na magtayagumpay si Pangulong Duterte upang makamit ang diplomatikong win-win solution sa pag-ayos ng gusot sa South China Sea, imbes na winner-takes-all na tindig na gustong mangyari ng mga kritiko.

“Ang pagkuha ng loob at tiwala ng mga bansa ang tunay na pangmatagalang solusyon sa South China Sea dispute. ‘Di ito nangyayari nang agaran. It takes time,” ani Siao.

Si Siao ay kasapi ng Committee on the East ASEAN Growth Area, Committee on Economic Affairs, at Committee on Mindanao Affairs sa Kamara. MELIZA MALUNTAG

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply