Folayang tulog kay Nguyen

NABIGONG maidepensa ni Filipino Mixed Martial Artist Eduard Folayang ang kanyang ONE Lighweight title matapos na patulugin ni ONE featherweight champion Martin Nguyen sa kanilang paghaharap sa ‘ONE: Legends of the World’ championship na ginanap dito sa Pilipinas.

Naging maganda ang depensa ng Filipino fighter sa unang round dahil kumokonek pa ng mga sipa at suntok si Folayang.

Pero pagpasok ng pangalawang round ay doon na binanatan ng magkakasunod ni Nguyen ang Igorot fighter.

May natitira pang 2:20 sa oras sa ikalawang round nang pahigain ni Nguyen ang pambato ng Pilipinas.

Dahil sa panalo ay hawak ngayon ng Australian-Vietnamese na si Nguyen ang One Championship featherweight at lightweight belts. BOBBY TICZON

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply