Gilas nasungkit ang 2nd win vs Chinese-Taipei

MULING nanguna si Jayson Castro sa kanyang 20 puntos para maibulsa ng Gilas Pilipinas ang kanilang pangalawang panalo sa FIBA World Cup Asian qualifiers matapos ilampaso ang Chinese Taipei sa iskor na 90-83 sa Smart Araneta Coliseum kagabi.

Hindi naman nagpahuli si June Mar Fajardo sa kanyang 17 points at walong rebounds habang may tig-11 pa sina Roger Pogoy at Matthew Wright.

Sa kabilang dako, pinangunahan naman ng import na si Quincy Davis ang koponan ng Chinese Taipei sa ipinasok nitong 20 puntos.

Hindi maganda ang panimula ng Gilas sa laro matapos magpaulan si Davis ng 17 puntos sa unang apat na minuto kaya natambakan sila ng 14 points.

Ibinuhos naman ng four-time PBA MVP ang kanyang siyam na puntos sa loob ng siyam na minuto para matapyasan ang kanilang kalamangan.

Habang nagpaulan naman ng tatlong three si Wright sa fourth quarter upang itulak ang national team sa pagkapanalo.

Dahil sa panalong ito, tabla na ang kartada ng Pilipinas at Australia sa Group B na mayroong 2-0 win-loss record.

Maghaharap ang dalawang nasabing koponan sa Pebrero 22, 2018. BOBBY TICZON

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply