Gilas wagi sa unang laban vs Japan

BINITBIT ng 20-points ni Jayson Castro ang buena-manong panalo ng Gilas Pilipinas laban sa Japan sa Asian Qualifiers ng 2019 FIBA World Cup sa Tokyo, Japan.

Bagama’t may kamalasan pa ay nag-ambag naman si naturalized player Andray Blatche ng 13 puntos para makatakatas sa hot shooting ng mga Japanese.

Bumanat agad ang mga Filipino cagers na sinabayan pa ng magandang depensa kaya agad silang umabanse ng 14 points.

Hindi nagpahuli ang Akatsuki Five at nagpakawala sila ng three-points dahilan upang maging banta ito para sa Gilas.

Pagdating ng third quarter, humataw ng isang triple si Yuki Togashi upang makuha ng Japan ang 40-37 na kalamangan.

Pero hindi nagpaawat ang mga Pinoy at nakuhang muli ang 53-46 na lamang sa kanilang 10-3 run.

Sinelyuhan naman ng fastbreak layup ni Roger Pogoy ang 77-69 pagdomina ng national team sa nalalabing 26 seconds.

Susunod na makakasagupa ng Gilas ang karibal nitong Chinese Taipei sa November 27 (Lunes) na gaganapin sa Araneta Coliseum sa Quezon City.

Ang mga iskor:

Pilipinas (77): Castro 20, Blatche 13, Wright 12, Norwood 10, Fajardo 6, Abueva, Aguilar 5, Pogoy 5, Ravena 1, Alas 0, Rosario 0

Japan (71): Hiejima 20, Brown 10, Tanaka 10, Togashi 8, Baba 7, Harimoto 7, Shinoyama 4, Takeuchi 3, Ota 2. BOBBY TICZON

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply