‘GIVE CHANGE A CHANCE’ SA BOC

“MILAGRO” o press release lang ang mga nababalitang hakbang para mareporma ang Bureau of Customs partikular na ang crackdown sa smuggling na pinangungunahan ni Commissioner Sid Lapeña.

Araw-araw na ginawa ng Diyos na may nasasabat na hot goods at iligal na droga mula nang simulang manungkulan ang former Philippine Drugs Enforcement Agency director-general noong September.

Wala pang dalawang buwan mula nang palitan ni Lapeña si Nick Faeldon na nasibak kasunod ng controversy sa P6-bilyong halaga ng smuggled shabu, maraming napataas ang kilay nang sumirit sa record-high P42-billion ang BoC collection noong October.

Dahil sa pinag-ibayong enforcement of tax duties on imports, inaasahan ng BoC na matupad nito ang P468-billion collection target ng ahensya by year’s end.

Ipinatutupad ngayon ng BoC ang pagsugpo sa mga pamamaraan ng “technical smuggling” tulad ng benchmarking at “misdeclaration,” ayon kay Director Wilkins Villanueva, chief, Customs Intelligence and Investigation Service.

Katulong ni Lapeña ang ilang dating PDEA officials tulad ni Villanueva para matupad ang kanilang “Mission Impossible” na makatotohanang ituwid at linisin ang BoC.

Kahit na nagdududa pa ang ilan sa isinasagawang “BoC reforms,” bakit hindi natin bigyan ng pagkakataon ang bagong liderato sa Aduana para baguhin ang bulok na Sistema roon?”

Give change a chance at BoC.

***
Matutunghayan po ang inyong lingkod 12noon-2pm sa Radyo Pilipinas, 738AM at 6pm-7pm sa PTV4 News, Lunes-Biyernes. Mapapanood din ang mga naturang programa sa aking Facebook sa Erwin Tulfo Live @erwintulforeal. Maraming salamat sa inyong lahat. DEADSHOT/ERWIN TULFO

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply