GRO nagbigti sa loob ng bar

NAGBIGTI ang 19–anyos na Guest Relation Officer (GRO) sa loob ng pinagtatrabahuang bar sa Quezon City kagabi Nobyembre 21, 2017.

Kinilala ang biktima na si Beverly Baway Kimbong, tubong General Santos City at stay-in worker sa Kissmet Resto Bar sa No. 920 Aurora Boulevard, Barangay San Roque, Murphy, Cubao.

Natagpuan ang biktima na nakabigti gamit ang handle ng bag sa steel bar sa bintana sa ikalawang palapag ng bar ng kanyang supervisor na si Lito Samonte.

Batay sa pahayag ni Samonte, alas 7:00 ng gabi ay umakyat siya sa kuwarto ng biktima dahil nagtataka siya kung bakit hindi pa ito bumaba sa bar.

Nang buksan niya ang silid ng biktima ay laking gulat niya nang bumungad sa kanya ang nakabigting katawan ng GRO sa steel bar ng bintana, habang nakapulupot sa leeg nito ang handle ng bag.

Inaalam pa ng pulisya kung may ‘foul play’ sa pagpapatiwakal ng biktima. SANTI CELARIO

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply