GSW giba sa Kings

INANGAT sa pamamagitan ng pinakawalang bank shot ni Bogdan Bogdanovic sa huling 12 segundo ang paggiba ng Sacramento Kings sa defending champion Golden State Warriors sa iskor na 110-106.

Nakalipol sa Kings si Willie Cauley-Stein ng 19 points na dahilan para matuldukan ng koponan ang kanilang eight-game losing streak.

Sa panig naman ng Warriors, pinunan ng 21 puntos ni Klay Thompson ang kawalan ng mga Warriors star na sina Stephen Curry at Kevin Durant dahil sa tinamong injury.

Naging matindi ang bakbakan ng dalawang team sa huling quarter ng laro at binuhat mismo ni Thompson ang Warriors sa 106-102 lead.

Binasag naman ng Sacramento ang depensa ng Warriors matapos ipasok ni Garrett Temple ang dalawang free throws.

Pero itinabla ni Cauley-Stein ang laban sa 106 sa huling 1:46.

Sunod na makakabakbakan ng Kings ang Milwaukee Bucks sa Miyerkules, habang magkokontrahan naman sa Huwebes ang Warriors at ang Los Angeles Lakers. BOBBY TICZON

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply