GULO SA MIDDLE EAST DAPAT PAGHANDAAN

HINDI pa man nangyayari, dapat ay paghandaan na ng gobyerno ng Pilipinas ang anomang kaguluhan sa Gitnang Silangan dahil sa iba’t ibang sigalot gaya ng Saudi Arabia na pinakulong ng mga namumuno ang mga miyembro ng Royal Family dahil sa umano’y corruption.

Mismong si ACTS-OFW Partylist Rep. John Bertiz ang nagsabi nito na nagmungkahing buhayin ang dating Presidential Middle East Preparedness Team na pinamunuan ni dating Environment Sec. Roy Cimatu na nag-asiste sa mga overseas Filipino worker.

Kapag sumambulat kasi ang kaguluhan sa nasabing mga bansa ay malaki ang magiging epekto nito sa ekonomiya at pamumuhay ng mga Filipino.

Kailangan ay maging handa ang gobyerno sa pagsagip sa halos mahigit sa 2.1-milyong OFW na nagtatrabaho mula sa Middle East upang hindi sila maipit sa kaguluhan.

Alalahanin ding maaapektuhan ng kaguluhan ang presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa na maaaring ikaliit ng kita ng gobyerno rito.

Gayundin na dapat mangamba ang pamahalaan sa pagliit ng remittances ng mga OFW, lalo na kung magtagal ang krisis.

Alalahaning bilyon-bilyong dolyar ang ipinadadala ng mga OFW na nagbibigay-buhay sa ekonomiya ng Pilipinas.

Kapag napasama ang kalagayan ng mga OFW, nakapangangamba na baka mag-collapse rin ang ekonomiya ng Pinas.

SUGALAN SA PAMPANGA

Hanggang ngayon ay hindi pa nabubuwag o tinatanggal ang tatlong puwesto pijo na pa-drop balls ni Gazim sa Mexico, Sta. Ana at San Luis na pawang nasa Pampanga

Ginagawang “gatasan” ang mga ito ng mga hepe ng nasabing mga bayan.

Weekly umano ang pagtanggap ng “biyaya” ng mga hepe gaya nina Mexico COP Supt. Wilfredo Paolo, Sta. Ana COP Insp. Reynaldo Manganti at San Luis COP Insp. Jose Gundaya. Totoo ba ito, mga hepe, kaya hindi ninyo binubuwag ang mga sugalang nabanggit?

oOo
Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply