Higit 100 katao, nasagip sunog sa New York

NASAGIP ang mahigit 100 katao mula sa isang gusali sa Times Square sa New York dahil sa sunog.

Pinababa ang mga occupant sa Broadway Viacom Building sa 45th St. kanto ng 7th Ave. sa Times Square matapos makapagtala ng sunog sa parking area.

Wala namang napaulat na nasaktan sa sunog, pero ang mga inilikas ay kinailangang bumaba sa gusali na may taas na 45-palapag gamit ang hagdan.

Nagdulot din ito ng panic sa mga occupant dahil sa amoy ng gasolina at usok sa loob ng gusali.

Inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng apoy. JOHNNY ARASGA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply