IBA’T IBANG PAMPASABOG NASAMSAM

NADISKUBRE ng isang street sweeper ang iba’t ibang uri ng pampasabog na nakalagay sa loob ng isang kahon na naiwan sa kalsada sa Caloocan City, kaninang umaga.

Ayon kay Caloocan Police Community Precinct (PCP) 3 Tactical Operation Center duty officer PO1 Darren Esto, nadiskubre ang  mga pampasabog sa isang carton box na naiwan sa gilid ng daan sa Muling Pagkabuhay Street, Phase 10 Package 2, Bgy. 176 Bagong Silang at inireport sa kanila alas-7:30 ng umaga.

Agad ipinag-utos ni PCP-3 commander Chief Insp. Raymond Nicolas na kordonan ang nasabing lugar para walang makalapit habang hinihintay ang pagdating ng mga operatiba ng Explosive Ordnance Division (EOD) ng Northern Police District (NPD).

Dinala ang mga hinihinalang pampasabog sa opisina ng EOD sa NPD para sa proper examination at disposition. RENE MANAHAN

 

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply