Justices, empleyado sa Sereno impeachment proceedings, aprub

PINAYAGAN na ng Supreme Court (SC) ang ilang justices at empleyado ng Kataas-taasang Hukuman na makadalo sa impeachment proceedings ng Kamara laban kay Chief Justice Ma. Lourdes Sereno.

Sa deliberasyon ng Supreme Court en banc kaninang Martes ng umaga, unanimous ang desisyon ng mga mahistrado na dumalo ang mga personalidad na inimbitahan sa pagdinig.

Kabilang dito sina Associate Justices Teresita Leonardo-de Castro, Noel Tijam at Francis Jardeleza.

Kasama sa mga pinayagan ding dumalo sa impeachment proceedings sa Kamara ang iba pang opisyal ng korte kagaya nina Court Administrator Jose Midas Marquez, SC en banc clerk of court Atty. Felipa Anama at SC spokesperson Atty. Theodore Te.

Kaugnay nito, babalangkas ng panuntunan si Senior Associate Justice Antonio Carpio sa pagharap ng mga mahistrado sa pagdinig ng Kamara. BOBBY TICZON

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply