Karambola ng 3 bus sa Quezon, 35 sugatan

MAY 25 pasahero ang nasugatan nang magkarambola ang tatlong pampasaherong bus sa Tagkawayan, Quezon nitong Martes ng gabi.

Ayon sa Tagkawayan-Philippine National Police, nag-overtake umano ang Philtranco bus na minamaneho ng nagngangalang Ricardo Petallo sa isa pang sasakyan habang binabaybay nito ang kahabaan ng kalsada sa Quirino Highway, Brgy. San Francisco.

Dahil dito, sumalpok ang naturang sasakyan sa kasalubong nitong Philtranco bus na minamaneho naman ng isang Virgillio Aurellano, Jr.

Hindi na nagawa pang makapreno ng Elavil bus na minamaneho ni Alvin Tatel kaya naman sumalpok din ito sa hulihang bahagi ng Philtranco bus.

Isinugod sa ospital ang 25 pasahero kabilang na ang walong taong gulang na bata matapos magtamo ng sugat sa katawan.

Nabatid na patungo ng Metro Manila ang Philtranco bus na minamaneho ni Aurellano at ang Elavil bus habang patungo naman sa Lungsod ng Naga ang isa pang bus.

Dahil sa pangyayari, nahaharap si Petallo sa kasong reckless imprudence resulting to physical injuries and damage to properties. BOBBY TICZON

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply