Korea wagi sa New Zealand

PINASADSAD ng South Korea ang New Zealand, 86-80, sa kanilang paghaharap sa World Cup Qualifiers ng 2017 FIBA Asia Cup.

Nanguna sa panalo ang kanilang reserve forward na si Jeon Junbeom na naka-iskor ng 22 points habang mayroong 16 points at 10 rebounds naman si Oh Sekeun sa laro na ginanap sa kanilang bansa.

Ang susunod na makakaharap ng Korea ang China habang makakaharap naman ng New Zealand ang Hong Kong.

Samantala, itinuturing pa rin ng Gilas Pilipinas na traditional rivalry ang Japan kung ang pag-uusapan ang basketball sa Asya.

Matapos kasi ang pag-anunsyo ni Gilas head coach Chot Reyes sa final 12 na maglalaro mamaya sa pagsisimula ng Asian Qualifiers ng 2019 FIBA World Cup ay matindi na ang kanilang ginawang paghahanda.

Hindi nila babalewalahin ang Japan kahit na dalawang beses na nila itong tinalo noong 2015 FIBA Asia Championship. BOBBY TICZON

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply