Lindol sa border ng Iran at Iraq, 130 patay

UMABOT sa 130 katao ang namatay sa magnitude 7.3 na lindol na tumama sa border ng Iran at Iraq.

Patuloy pa ang isinasagawang rescue operations sa mga biktima na posibleng na-trap sa mga gumuhong gusali.

Sa pahayag ng deputy governor ng Kermanshah province sa Iran, pinangangambahan nilang madagdagan pa ang death toll dahil maraming gusali ang gumuho.

Sa bilang ng mga nasawi, mahigit 60 ay mula sa bayan ng Sarpol-e Zahab sa nasabing probinsya.

Sa Iraq, anim ang iniulat na nasawi at 50 ang nasugatan.

Gabi ng Linggo ng tumama ang malakas na lindol at naitala ang epicenter nito sa pagitan ng Iran at Iraq.

sa lakas ng pagyanig, nagdulot ito ng power interruption sa maraming lungsod sa Iran at Iraq at marami sa mga residente ang nasa mga lansangan at parke dahil patuloy silang nakararamdam ng aftershocks. JOHNNY ARASGA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply