LPA sa Eastern Visayas, magiging bagyo

ISANG low pressure area (LPA) ang binabantayan ng PAGASA sa Eeastern Samar.

Ayon sa PAGASA weather forecaster Elvie Tan Enriquez, huling namataan ang LPA sa Silangan ng Guiuan, Eastern Samar.

May tyansang mabuo bilang isang ganap na bagyo ang nasabing LPA at may tyansa ring lumakas pa bilang isang tropical storm.

Papangalanan itong “Salome”, sa sandaling maging bagyo habang nasa loob ng bansa.

Makapagpapaulan na ang nasabing LPA sa Eastern Visayas, Caraga at Davao.

Habang intertropical convergence zone (ITCZ) naman ang umiiral sa Palawan at sa Mindanao at amihan ang namamayani sa Northern at Central Luzon. JOHNNY ARASGA

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply