Marian Rivera, inimbitahang dumalo sa ASEAN Summit

NAIS ni Cambodian Prime Minister Hen Sun na makita sa personal ang Kapuso Star na si Marian Rivera.

Dahil dito, personal na inimbitahan ng lider si Rivera na dumalo sa isang event ngayong araw ng Sabado, sa pagsisimula ng ASEAN Summit.

Ayon sa aktres ang imbitasyon ay para sa gagawing state dinner na sasalubong sa Prime Minister ng Cambodia at Pangulo ng Myanmar.

Nagulat aniya ang aktres ng padalhan siya ng imbitasyon dahil nahihiya siya at hindi sanay na dumadalo sa mga katulad na pagtitipon.

Ani Rivera, naipalabas sa Cambodia ang kanyang mga teleseryeng “Marimar” at “Dyesebel” at kasalukuyan namang ineere ang isa pa niyang teleserye na “Carmela”.

Dahil dito ay nagkaroon ng malaking fan base ang aktres sa naturang bansa.

Sasamahan ang aktres ng asawa niyang si Dingdong Dantes sa pagharap sa lider. JOHNNY ARASGA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply