Mga bilanggo, nag-exam para sa diploma

SUMALANG sa pagsusulit ang mahigit 800 mga bilanggo ng Manila City Jail at Pasay ngayong araw para makapagtapos ng pag-aaral at makakuha ng diploma.

Isang accreditation and equivalency test ang kinuha ng mga bilanggo. Ito ay bahagi ng alternative learning system (ALS) ng Department of Education (DepEd).

Sa tala ng naturang piitan, 243 sa kanilang mga bilanggo ang kumuha ng exam para makapagtapos ng elementarya, habang 634 naman para sa high school.

Sa ilalim ng ALS program ng DepEd, maituturing nang nakapagtapos ang mga makakapasa sa pagsusulit.

Samantala, pwede namang pumasok sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang mga bilanggong nakakuha na ng diploma para sa high school o kung hindi man ay gamitin ang resulta ng exam para makahanap ng trabaho sa kanilang paglaya. JOHNNY ARASGA

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply