Military vs NPA, sumiklab sa Batangas

NAGBAKBAKAN ang mga sundalo at ilang miyembro ng New People’s Army sa Barangay Utod, Nasugbu sa Batangas, kaninang Lunes ng umaga.

Sinabi ni Brig General Arnulfo Burgos Jr., commander ng 202nd Brigade ng Philippine Army, na nagpapatrol ang mga tauhan ng 730th Combat Group ng Philippine Air Force nang matiyempuhan nila ang may 20 NPA fighter na humantong sa palitan ng putok.

Tumagal aniya ng 5 minuto ang sagupaan hanggang sa umatras ang mga rebelde patungo sa bulubunduking bahagi ng Nasugbu.

Walang nasugatan sa mga tropa ng gobyerno samantalang may mga posibleng nasaktan sa mga rebelde, sabi ni Burgos.

Nadiskubre sa naturang lugar nitong Linggo ang isang kampo na pinaniniwalaang pag-aari ng mga NPA na nakaengkuwentro rin ng pamahalaan sa Batangas nitong Setyembre.

Nahanap ang kampo kasabay ng pinaigting na clearing operations para sigurihin ang kaligtasan ng Association of Southeast Asian Nations summit na idinaos sa bansa nitong nakalipas na linggo. BOBBY TICZON 

 

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply