MRT nasira ulit

NATIGIL na naman ang operasyon ng depektibong Metro Rail Transit (MRT-3) sanhi ng technical problem kaninang Linggo ng umaga.

Gaya nang inaasahan, pinababa na naman ang mga pasahero ng northbound train sa may Boni Avenue Station sa Mandaluyong City dakong 1:37 a.m.

Sa kasagsagan ng road restrictions, nagpatuloy ang MRT-3 ng kanilang operasyon ngayong 1 week-long Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit.

Matatandaang nito lamang nakalipas na mga linggo ay ilang ulit na rin na tumirik ang ilan bagon ng MRT sanhi rin ng technical problem.

May isa pang beses na may nag-itsa na adult diaper na sumabit sa kawad ng MRT sa Cubao station kaya natigil din ang kanilang operasyon. BOBBY TICZON

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply