NBI pasok sa MRT-3 sabotage probe

PINAIIMBESTIGAHAN na sa National Bureau of Investigation (NBI) ang posibilidad na technical failure o pananabotahe sa operasyon ng Metro Rail Transit-3 (MRT-3).

Kailangan umanong maimbestigahan lahat ng humawak sa tren upang malaman kung saan nagmula ang problema.

Nitong nakaraang Huwebes ay naiwan ang isang bahagi ng bagon ng tren ng MRT-3 nang kumalas ito at naiwan sa riles sa gitna ng mga istasyon ng Ayala at Buendia.

Tiniyak naman ng operations director ng MRT na si Michael Capati na ligtas pa ring sakyan ang mga tren nito kahit pa may nangyari at panawagan na itigil na muna ang operasyon upang makumpuni ang lahat ng sira nito.

Ang maintenance provider ngayon ng MRT-3 ay ang Busan Company matapos ilipat ito ng dating DOTC Sec. Roxas mula sa Sumitomo Corp. na isa rin sa designer nito. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply