P11M halaga ng smuggled rice, nasabat sa Davao del Norte

MAY P11-milyong halaga ng smuggled na bigas ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine Navy sa Davao del Norte nitong Sabado ng gabi.

Nakumpiska ang nasa 5,000 sako ng hinihinalang smuggled na bigas na umaabot sa 250,000 kilos.

Sa ulat ng Naval Forces Eastern Mindanao, nagsagawa ng Joint Counter Action bandang 10:50 p.m. nang mamataan ang isang motorbanca ang M/L Sunlight na may dalang mga kontrabando na may limang nautical miles silangan ng Island Garden City ng Samal.

Napag-alamang ibibiyahe ang bigas mula Zamboanga City patungo sa isang pribadong pantalan sa Maco, Compostella Valley.

Ayon kay Capt. Jose Ma Ambrosio Espeleta, deputy commander ng Naval Forces-Eastern Mindanao, nasabat ng Task Force Seahawk ang M/L Sunlight na may dalang mga kontrabando.

Wala aniyang maipakitang mga dokumento ang crew ng M/L Sunlight kaya ipinatigil ang paglayag nito.

Ayon naman sa kapitan ng M/L Sunlight na nakilalang si Ahndun Amil, idedeliber sana nila ang mga nasabing kargamento sa isang Johak Sahid.

Ibinunyag din ni Amil na ito na ang pangalawang beses na nag deliver sila ng bigas sa Maco.

Kasulukuyang iniimbestigahan na ng National Food Authority (NFA) at Bureau of Customs (BOC) kung saang bansa galing ang bigas. BOBBY TICZON

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply