P8.7B right of way scam, ibinunyag

PINALALAKAS pa ni Department of Justice (DoJ) Sec. Vitaliano Aguirre II sa National Bureau of Investigation (NBI) ang kanilang case build-up sa kaso laban sa mga dating opisyal ng Aquino administration.

Ito’y kaugnay pa rin sa umano’y P8.7-billion right of way scam sa General Santos City na kinasasangkutan nina dating Public Works Sec. Rogelio Singson at dating Budget Sec. Florencio Abad.

Sinabi ni Aguirre na may hawak ang NBI ng sinumpaang salaysay ng mga testigo na sangkot mismo sa criminal syndicate na kinasasangkutan ng ilang opisyal noong nakaraang administrasyon.

Aniya, si Singson ang nag-apruba at nag-request ng release ng bayad para sa pekeng Road Right of Way (RROW) habang si Abad naman umano ang nag-apruba ng pagpapalabas ng pondo para sa iligal RROW kaya kapwa sila may pananagutang kriminal.

Maliban kay Abad at Singson, sangkot din umano sa scam sina Wilma Mamburam, Col. Chino Mamburan, Merceditas Dumlao at Nelson Ti.

Ayon kay Aguirre, batay sa kanilang testigo si Nelson Ti ang financier ng grupo at kaanak ni Philippine Envoy to China Domingo Lee na malapit naman ay dating Pangulong Noynoy Aquino. BOBBY TICZON

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply