Pagpapa-subpoena kay CJ Sereno, pinag-aaralan na

IKINOKONSIDERA na ng House committee on justice ang pagpapa-subpoena kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno upang mapilitan itong dumalo sa pagdinig kaugnay ng verified impeachment complaint laban sa punong mahistrado.

“To subpoena the Chief Justice is our option being considered as of the moment because we have the constitutional mandate to perform and she (Sereno) as a constitutional officer should honor and comply with that. Remember, that is (issuing a subpoena) our coercive power to compel her presence,” banggit ni Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali, chairman ng komite.

May posibilidad din na ipa-contempt si Sereno at ma-detain ito sa Kamara sakaling patuloy nitong isnabin ang imbitasyon ng komite.

Magkagayunman, aminado si Umali na posibleng magdulot ito ng constitutional crisis dahil sa umiiral na separation of powers ng lehislatibo at hudikatura.

“The issue of constitutional crisis may arise of course here. But in the spirit of fairness, we want her to answer the allegations in the impeachment complaint,” ani Umali.

Hindi rin isinaisantabi ni Umali ang posibilidad na humaba pa ang deliberasyon sa impeachment complaint laban kay Sereno hanggang sa Rnero ng susunod na taon kung kalian muling magbabalik ang sesyon ng kongreso.

“I am afraid that we might not be able to vote on the committee report this December 13 or the day when we adjourn for the holidays” sabi ni Umali.

Kahapon ay ibinasura ng komite sa botong 30 pabor at 4 na tutol sa kahilingan ni Sereno na katawanin siya ng kanyang mga abogado at magsagawa bng cross-examination sa mga testigo na ipiprisinta ng complainant na si Atty. Larry Gadon.

Ibinasura rin kahapon sa botong 30 pabor at 3 tutol ang mosyon ng ilang kongresista na magkaroon ng partisipasyon ang mga kongresistang hindi miyembro ng komite.

Sa susunod na pagdinig ay iimbitahan ng komite ang lahat ng mahistrado ng Korte Suprema at ang reporter na tinukoy ni Gadon para magbigay-linaw sa impeachment complaint laban kay Sereno. MELIZA MALUNTAG

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply