Pang. Digong, makatitikim na ng taas-sahod sa 2018

SA wakas, makatitikim na ng umento sa sahod si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa susunod na taon.

Sinabi ni Budget Sec. Benjamin Diokno na mula sa kasalukuyang P222,000 ay magiging P297,000 na ang monthly salary ng Punong Ehekutibo.

Ani Sec. Diokno, ipatutupad kasi ang 3rd tranche ng salary standardization law of 2015.

May dagdag ito na higit P75,000 sa kasalukuyang P222,278 na buwanang sweldo o 34.1 porsyento na umento sa sahod ng pangulo na nasa ilalim ng salary grade 31.

Bukod sa Pangulo ay tatanggap din aniya ng umento ng sahod ang nasa 1.2-milyong civilian government workers mula sa salary grade 1 – 30.

Tinatayang, P24-bilyon ang inilaang pondo para sa umento sa sahod.

Samantala, makakasama rin sa makatitikim ng umento sa sahod ang mga manggagawa sa State Universities and Colleges, mga empleyado ng government and controlled corporations na saklaw ng compensation and position classification system sa ilalim ng Republic Act number 6758; mga manggagawa sa lokal na pamahalaan, at mga barangay personnel na tumatanggap ng monthly honoraria. KRIS JOSE

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply