Pang. Duterte, labas sa impeachment ni CJ Sereno

SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na wala siyang nilapitan o ginapang para ipa-impeach si Supreme Court (SC) Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Aniya, malayang makapag-imbestiga si Sereno para personal na alamin nito kung totoong siya ang may pakana o nakikialam ito sa kinakaharap na impeachment complaint sa Kongreso.

Pwede rin aniyang mag-imbestiga si Sereno sa buong bayan at i-commission ang mga investigative journalists para alamin kung may kinausap siya kaugnay sa kanyang impeachment.

Nauna nang sinabi ni Sereno na si Pangulong Duterte ang nasa likod ng impeachment complaint batay na rin daw sa mga pahayag ng pangulo sa publiko.

Todo-tanggi naman ang Chief Executive sabay sabing inilabas lamang niya ang kanyang sentimiyento sa publiko hinggil sa umano’y “first class travels” ni Sereno at pag-check-in sa presidential suites sa mga hotel.

“Alam mo, sinabi sa akin merong narinig na si Sereno, “Duterte is out to…” Ha? Ako raw? She can ask anybody, I guarantee you. I’ll make a guarantee, magtanong siya diyan kung may nilapitan ako na sinasabi ko, “Impeach niyo si Sereno,” except the public. ‘Yung I reacted because of the so many complaints for coming in — from the justices themselves, the way she conducted… But that was it. Ma’am Sereno, I’m sorry to tell you and you can investigate the whole town and i-commission mo lahat ng mga journalists who are good at investigative journalism, kung may kinausap ako na tao about your impeachment. Ikaw ‘yan nandiyan eh. Ako, I just echoed, kagaya ng travel. Sabagay ako nagta-travel, pero hindi naman tayo pwede lahat maging Presidente eh. Kung gusto mo palit na lang tayo. ‘Yung mga luxury rooms pati ‘yung…Alam mo, pati itong mga Cabinet members ko. You point out sa… May Cabinet member ako na mag-travel ng first class, ‘di bukas wala ng trabaho ‘yan. Travel economy. But if you have the money, okay you — pa-upgrade ka. Pero travel first class that is flaunting. Who would believe that you’re using your own money, mag-travel ka nang ganun? Ba’t mapaniwala mo ba ‘yung mga kasama mong Pilipino diyan sa eroplano na pera mo ‘yung ginagamit mo?” ani Pangulong Duterte. KRIS JOSE

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply