‘Pinoy streetball style,’ pangtapat ng Gilas sa Japan

HANDANG-HANDA na ang Gilas Pilipinas para sa kanilang paghaharap sa Japan sa FIBA Asian Qualifiers mamayang gabi.

Sinabi ni Coach Chot Reyes na minamanmanan nila ang Japan dahil aminado siyang may angking talento ang mga makakalabang Hapon, na aniya’y magagaling na shooter.

Titiyakin ng Gilas na makikipagsabayan sila sa inihanda ng Japanese team coach na si Julio Lamas, na tinitingala niyang bilang isang magaling na coach.

Kaugnay nito, ibinahagi rin nito na Pinoy “streetball” style ang gagamitin nilang estilo bilang tugon sa naging hamon na mabuo ang isang matibay na sistema, kasunod ng kakulangan sa karanasan ng kanyang line-up na magkakasama sa court.

Samantala, naniniwala naman naturalized player na si Andray Blatche na ang naturang laban ay isang pagkakataon para muling maipakita ang kasanayan ng Gilas.

Inaasahan niyang magiging kasabik-sabik ang naturang laban dahil bukod sa pamilyar na ito sa ilang Japanese players, ay unang beses niya palang makakaharap ang naturalized player na si Ira Brown na magaling at batang manlalaro na si Tenketso Harimoto. BOBBY TICZON

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply