Presyo ng gulay, karne at isda sumirit

SUMIRIT na ang presyo ng ilang gulay, karne ng baka, manok at isda sa mga pamilihan.

Batay sa monitoring sa Tandang Sora Market, tataas ng P10 – P40 ang presyo ng sibuyas, talong, sigarilyas at repolyo.

Nasa P10 naman kada kilo ang itinaas sa presyo ng karne ng manok kung saan mula P150 ay naging P160 na kada kilo.

Tumaas naman nang P50 ang karne ng baka na mula sa P280 ay naging P330 kada kilo.

Itinuturo namang dahilan sa pataas ng presyo sa karne ng baka ang ipinatutupad na ban sa pag-aangkat ng karne ng baka mula Brazil dahil sa salmonella.

Na-monitor din ang pagtaas sa presyo ng sapsap na mula P280 kada kilo ay naging P280 pesos.

Gayundin ang maya-maya na nasa P480 na kada kilo na dating P380 habang P10 ang itinaas ng bangus mula P140.

Paliwanag ni Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Division Head Malvas, ang pagtaas sa presyo ng ilang isda ay dulot ng lagay ng panahon at transportasyon. JOHNNY ARASGA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply