Pulis nawalan ng baril, nagbigti

NAGBIGTI ang isang pulis sa loob mismo ng presinto sa Estancia, Iloilo sanhi ng mga kinakaharap nitong kasong administratibo.

Ang biktimang si PO1 James Aguinod, 48, tubong Davao, ay natagpuang nakabitay na sa comfort room ng female detention cell ng Estancia Municipal Police Station.

Sinabi ni C/Insp. Jona Galicha, hepe ng Estancia PNP, natagpuan na lang ng kanyang mga kapwa pulis si Aguimod na nakabitay sa rehas ng selda gamit ang cable wire.

Ayon kay Galicha, noong isang gabi lang ay kausap pa niya si Aguimod kaugnay sa kanyang kinakaharap na kaso.

Nabatid na pinapatawag na ito sa Police Regional Office 6 (PRO-6) matapos hindi niya maipaliwanag kung bakit nawawala ang kanyang service firearm.

Naniniwala aniya ang naturang pulis na papatawan ito ng suspension o dismissal kaya namroblema ito kung saan siya pupulutin kapag naalis siya sa serbisyo.

Ayon pa kay Galicha, matagal nang hiwalay sa kanyang misis si Aguimod dahil sa pagkalulong nito sa sabong. BOBBY TICZON

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply