Rapist, killer ng bank employee sa Pasig, huli

NAARESTO na ng Pasig Police ang suspek sa pagpatay sa 22-anyos na bank employee na pinatay at sinunog ang katawan matapos gahasain.

Ayon Kay Pasig Police Chief P/S Supt. Orlando Yebra, batay sa inilabas na resulta ng PNP Crime laboratory, tumugma ang fingerprints ng primary suspect na si Randy Oavenada na nakita sa cellphone ng biktima na si Mabel Cama.

Dagdag pa ni Yebra, positibo rin sa paggamit ng iligal na droga ang suspek batay sa isinagawang drug test examination.

Kasalukuyang nakakulong sa Pasig Police detention cell ang suspek at nakatakdang i-inquest bukas, November 20, 2017.

Inihayag din ni Yebra na may isa pang suspek ang pinaghahanap sa ngayon ng Pasig police.

Ayon sa PNP, batay sa pahayag ng isang saksi na huling nakakitang buhay sa biktima, kumakatok ito sa gate ng kanyang residential compound sa Ortigas Ave. Extn. noong Nobyembre 10 ng gabi kung saan may ilang lalaking umaaligid sa kanya.

Nitong Nobyembre 12, natagpuan ang halos hubad na bangkay ni Cama sa isang abandonadong office building, 40 metro lamang ang layo mula sa kanyang bahay. JOHNNY ARASGA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply