Retiradong staff sargeant ng PAF, nag-suicide

PATAY ang isang retiradong staff sergeant mg Philippine Air Force (PAF) matapos umanong magsaksak sa sarili sa loob ng kanilang bahay sa Valenzuela City, kahapon ng umaga.

Natagpuan ang duguan at wala nang buhay na katawan ng biktimang si Emilio Orillos, 61, biyudo, ng kanyang anak na babae na si Kareen Ambito na nakahandusay sa salas ng kanilang bahay sa 4763 Julia St., Francisco Cmpd., Gen. T. de Leon alas-8:00 ng umaga.

Lumalabas sa imbestigasyon nina Valenzuela police homicide investigators SPO2 Felix Viernes at PO3 Laude Pillejera, nagtamo ng saksak sa dibdib at leeg ang biktima habang narekober sa ilalim ng kanyang puwitan ang kitchen knife na may mga bahid ng dugo.

Nakuha rin ng mga pulis sa loob ng kuwarto ng biktima ang sulat kamay na suicide note na naka-addressed sa kanyang apat na anak na sina Kathy, Karen, Kevin at Jerome na humihingi ng kapatawaran.

Sa isang bahagi ng suicide note ay nakasaad ang “Nagawa ko ito dahil hindi ko makayang paglabanan ang kinakaharap kong mga problema at suliranin sa buhay. Paalam sa inyo mga anak, mahal na mahal ko kayo.”

Nabatid na dakong 6:13 ng umaga nang makatanggap ng text message mula sa kanyang ama ang anak ng biktima na si Karen na nagsasabi sa kanya na umuwi dahil may emergency subalit nabasa niya ito bandang 7:30 ng umaga.

Agad pumunta sa bahay ng kanyang ama si Karen at laking gulat na lamang nito nang maabutan ang ama na nakahandusay sa loob at wala ng buhay. RENE MANAHAN

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply