Rockets kinaldag ang Cavs

TOP team pa rin sa Western Conference ang Houston Rockets matapos kaldagin ang Cleveland Cavaliers sa iskor na 113-117.

Naging mainit ang unang paghaharap ng koponan nila LeBron James at James Harden na nagsalitan ng end scores mula 1st hanggang 3rd quarter.

Sa pangunguna ng tinaguriang “Bearded Picasso” na si Harden, tinulungan nitong depensahan ang Rockets para masungkit ang kanilang fourth winning streak sa pagbomba ng 35 points.

Nagpakawala naman ng 20 points si Eric Gordon habang 19 points naman kay Clint Capela para tulungan ang koponan na maitaob ang powerhouse team.

Samantala, nagtalaga naman si LeBron James ng 33 points, at sumubok pang humabol sa ambag na 27 points ni Jeff Green at 17 puntos ni Kevin Love ngunit ‘di pa rin umubra.

Ito na ang ika-siyam na panalo ng Houston Rockets na napanatili ang posisyon sa tuktok ng Western Conference, na nakatakda namang humarap sa Memphis Grizzlies sa pag-asang maiuuwi ang ika-10 panalo.

Susubukan naman ni LeBron at Cavs na makaalagwa laban sa Orlando Magic. BOBBY TICZON

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply