Roque sinopla ni Poe sa e-Power Bill

MATINDING pagsopla ang inabot kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque kay Senador Grace Poe hinggil sa sinasabi nitong hindi naipasa ng Senado ang emergency power bill kahit natapos na sa Mababang Kapulungan ang deliberasyon sa panukala.

Sa panayam, sinabi ni Poe na nagkakamali si Roque sa pagsasabing naipasa na ng Kamara ang e-Power Bill na magbibigay ng kapangyarihan kay Pangulong Duterte na ayusin ang daloy ng trapiko.

“Gusto ko lang ipaalala kay Sec. Roque na ma-refresh ang kanyang memorya – hindi pa pumasok sa ikalawang pagbasa ang Traffic Crisis Bill sa Mababang Kapulungan,” ayon kay Poe, gamit ang recods ng Kamara.

Sinabi pa ni Poe na natapos na sa ikawalang pagbasa ang Emergency Powers Bill sa Senado at malapit nang matapos ang intepelasyon hinggil dito.

“Kahit hindi certified bilang urgent ang panukala, nagsasagawa kami nang walang hunmpay na interpelasyon sa EP bill. Kapat natapos ang period of amendments sa budget bill, sisimulan ulit namin ang deliberasyon sa EP bill,” giit ni Poe.

Ngunit, nagdududa si Poe na maipapasa ang panukala sa taong ito maliban na lamang magpapadala ng sertipikasyon ang Palasyo bilang urgent ang naturang panukala.

“Sa tulong ng aking kasamahan sa Senado, maipapasa namin ito sa ikatlong pagbas sa unang bahagi ng 2018,” aniya.

Nitong Lunes, pinaratangan ni Roque na tila hindi ginagawa ni Poe ang kanyang tungkulin bilang chairman ng Senate committee on public services sa pagsasabing hindi pa naipapasa ng Senado ang panukala.

Sinabi pa ni Roque na bago siya umalis sa Kamara, naipasa sa huli at ikatlong pagbasa ang panukalang emergency powers.

“We appreciate the concern of Senator Grace. But as of the time I left the House of Representatives which is only been a whole month, the House had already passed the traffic crisis bill. So it’s a waiting action on the Senate. So really it’s the Senates call whether or not to enact this traffic crisis bill into law,” eksaktong pahayag ni Roque sa kanyang press briefing. ERNIE REYES

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply