Sean Chambers kinuhang Alaska consultant

HINDI para maging import kundi kinuha ang serbisyo ng beteranong import na si Sean Chambers bilang isa sa mga Alaska consultants.

Ito ang kinumpirma ni Aces coach Alex Compton at sinabi na darating sa bansa si Chambers ngayong Nobyembre 18.

Dahil dito, makakasama na niya sina Eric Altamirano, Danny Ildefonso at Tony dela Cruz para mapalakas ang Aces.

Si Chambers ay naging bahagi sa pagkuha ng Alaska ng kanilang anim na kampeonato kabilang na ang grand slam noong dekada 90.

Sa kanyang social media account ay nagpahayag si Chambers ng kasabikan na ibahagi ang nalalaman sa mga manlalaro ng nasabing koponan. BOBBY TICZON

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply