Sec. Roque, sasakay ng MRT-3 bukas

BUKAS ng alas-9 ng umaga ay makikita si Presidential Spokesperson Harry Roque na sasakay ng Metro Rail Transit (MRT-3).

Layunin nito na personal niyang maranasan at maramdaman ang hinaing o problema ng publiko kaugnay sa ill-maintained na rapid transit system.

Ang ruta ng MRT-3 na sasakyan ni Sec. Roque ay SM North patungong Taft Station at pagkatapos ay change line naman mula LRT Taft patungong Central Station.

Para kay Sec. Roque, maaari umano niya itong gawin isang beses sa isang linggo upang siya mismo ang makapagreklamo sa pamunuan ng MRT.

Samantala, hindi naman nagbigay si Roque ng timeline kung kailan mareresolba ng gobyerno ang isyu sa MRT.

Pagtitiyak lang ng kalihim, ginagawa ng pamahalaan ang kanilang makakaya upang maayos ang MRT-3 na hindi naisasakripisyo ang pangangailangan ng publiko na umaasa sa mass transport system. KRIS JOSE

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply