Senglot nag-bike pauwi, lunod sa irigasyon

VINTAR, ILOCOS NORTE – Dahil sa kalasingan, isang lalaki ang namatay matapos malunod sa isang irrigation canal sa Brgy. 8-Margaay, Vintas sa nasabing lalawigan kahapon, November 22.

Kinilala ang lalaking si Rodrigo Ramos, 54, ng nasabing bayan.

Ayon kay Vintar police commander P/C Insp. Jayson Batuyong, lasing ang biktima galing sa isang birthday party ng kanyang kaibigan.

Sa imbestigasyon, sinabi ni Batuyong na ang biktima mismo ang nagpumilit na pumunta sa nasabing irrigation canal at nag-bike pa.
Dito ang natumba ang biktima at nahulog sa irrigation canal na may lalim na kulang-kulang 100 metro hanggang sa makita na lamang ang bangkay nito kaninang alas-6:45 ng umaga, Nov. 23.

Sa ngayon, patuloy na nagsasagawa ng follow-up investigation ang Vintar police. ALLAN BERGONIA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply