Singil sa kuryente, tataas ngayong buwan

INANUNSYO ng Manila Electric Company (Meralco) na tataas ang singil sa kuryente ngayong Nobyembre dahil sa mas mataas na generation charge.

Magtataas ng P0.34 kada killowat hour (kWH) ang singil sa kuryente kung kaya papatak ang kabuuang bayarin ng P9.63 kada kWh.

Ibig-sabihin, ang mga kabahayang kumokonsumo ng 200 kWH ngayong buwan ay kailangang magbayad ng dagdag na P68.72.

Paliwanag ng Meralco, ang dagdag-singil sa presyo ng kuryente ay dahil sa P0.19 kada kWH na dagdag-singil sa generation charge.

Ang pagtataas ng generation charge ay dala ng paghina ng piso kontra dolyar. BOBBY TICZON

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply