Tatay itinumba sa inuman, 2 anak, 1 pa sugatan

PATAY ang 31-anyos na lalaki habang tatlo naman ang sugatan makaraang pagbabarilin ang mag-ama at kapitbahay nito ng hindi kilalang salarin habang nag-iinuman sa Quezon City.

Kinilala ang biktimang namatay na si Ronilo Galo Emeterio, ng No.142 Kasunduan St., Brgy. Commonwealth,QC na nagtamo ng maraming tama ng hindi pa malamang kalibre ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nasugatan naman ang dalawang anak ng biktima na sina Mark Anesco, 19 at Mevron Robin Emeterio, 8 na tinamaan naman ng stray bullets at ang kainumang kapitbahay na si Ryan Christian Mallari, 18, ng No. 242 Kasunduan St., ng nasabi ring barangay.

Ang tatlong sugatan ay kasalukuyan ginagamot sa East Avenue Medical Center matapos magtamo ng mga tama ng bala ng baril sa katawan.

Batay sa pahayag ni Meriam, misis ni Ronilo kay PO3 George Calcuba, ng CIDU, alas-12:00 ng hatinggabi natutulog sila ng kanyang 8-taong gulang na anak na si Mevron nang gulantangin ng sunud-sunod na putok ng baril mula sa labas ng kanilang bahay.

Agad siyang lumabas at doon ay nakita niya ang mister na si Ronilo na duguan nang nakabulagta, habang ang anak niya at kainuman ay kapwa duguan din.

Nataranta ang misis ng biktima na maging ang kanyang anak na walong taong gulang na noon ay nasa kahimbingang natutulog ay duguan rin kaya humingi na siya ng saklolo sa kanyang mga kapitbahay at naisugod sa nasabing ospital ang mga biktima. SANTI CELARIO 

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply