Train accident sa Singapore, 23 sugatan

SUGATAN ang 23 katao makaraang bumangga ang tren ng Mass Rapid Transit (MRT) sa isang nakahintong tren sa Singapore.

Naganap ang aksidente sa Joo Koon MRT station alas-8:00 ng umaga ng Miyerkules.

Sa post ng ilang pasahero sa kanilang social media accounts, makikitang tumumba ang mga pasahero dahil sa lakas ng impact ng pagbangga.

Dinala sa Singapore General Hospital at Ng Teng Fong Hospital ang mga nasugatang pasahero.

Ayon naman sa Singapore Civil Defense Force, pawang minor injuries lamang ang natamo ng karamihan sa mga nasugatan.

Dahil sa nasabing aksidente, naantala ang biyahe ng tren partikular ang East-West Line. JOHNNY ARASGA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply