Tricycle vs bus, mag-asawa dedo

DAHIL nakasagasa ng basura, isang mag-asawa ang nalagas nang sumalpok ang kanilang sinasakyang traysikel sa kasalubong na pampasaherong bus sa Quezon kaninang Lunes ng umaga.

Dead-on-the-spot ang driver ng tricycle at ang misis nitong kapwa hindi nakuha ang mga pangalan sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan.

Hawak na ngayon ng Mulanay PNP ang driver ng bus na nakilalang si Efren Talento na kusang sumuko.

Nahaharap ito sa kasong reckless imprudence resulting to double homicide and damage to property.

Sa ulat, naganap ang insidente pasado alas-6 ng umaga sa national highway sa Mulanay, Quezon.

Ayon sa pulisya, pauwi na ang mga biktima sa San Narciso, Quezon nang masagasaan nila ang isang sako ng basura.

Dahil dito, nawalan ng kontrol sa manibela ang driver ng tricycle kaya sumalpok sa kasalubong na bus.

Sa lakas ng pagkakasalpok, wasak na wasak ang tricycle habang tumilapon ang mga biktima sa kalsda.

Wala pang pahayag ang Superlines Bus Company tungkol sa insidente. BOBBY TICZON

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply