Trike driver, tigok sa titig

DAGUPAN CITY, PANGASINAN – Dahil lamang sa masamang titig, patay ang isang tricycle driver matapos itong barilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Purok 5, Lucao District, Dagupan City sa nasabing lalawigan noong Linggo, November 19.

Kinilala ng Dagupan City police and biktimang si Cyrill Decano, 34, ng Purok 2, Lucao District sa nasabing syudad.

Sa inisyal report, naganap ang insidente sa may birthday party ng isang kaibigan ng biktima na si Myla Palma, 28.

Bago ang pamamaril, tumayo ang biktima upang umihi at tinitigan nito nang masama ang nakasalubong na suspek hindi kalayuan sa bahay ni Palma.

Dahil sa masamang tingin ng biktima, bigla umanong bumunot ng baril ang suspek at binaril sa ulo ang biktima gamit ang .45 pistol.

Dead-on-the-spot ang biktima habang tumakas agad ang suspek matapos ang pamamaril.

Sa kasalukyan, nagsasagawa ng follow-up investigation ang mga pulis hinggil sa insidente. ALLAN BERGONIA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply