Trump namali sa pag-spell ng Philippines

NAGKAMALI si US President Donald Trump kaninang Linggo ng umaga sa pag-spell ng Philippines bago ang kanyang pagbisita sa Manila para sa isang summit ng Asia Pacific leaders.

“Will be doing a joint press conference in Hanoi, Vietnam then heading for final destination of trip, the Phillipines,” saad sa isinulat nitong official Twitter account dakong 7:35 ng umaga.

Hanggang ngayon, ang pagkakamali ni Trump ay hindi pa naitatama.

Ang real estate mogul at reality television star ay nagkamali na rin ng spelling sa mga nakaraang nai-post sa Twitter na mayroong 42.4 million followers.

Noong nakaraang Enero lamang, nakulangan ng “h” sa unang pangalan ni British Prime Minister Theresa May. Noon namang Mayo, mayroon siyang ipinost na hindi maintindihan na salita na “covfefe.”

Nakatakdang dumating si Pres. Trump sa Pilipinas ngayong Linggo para sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit matapos ang pagbisita niya sa Japan, South Korea, China at Vietnam.

Kaugnay nito, dumating na sa bansa kaninang umaga sina Canadian Prime Minister Justin Trudeau, New Zealand Prime Minister Jacinda Ardem, Singapore Prime Minister Le Hsien Loong, Malaysia Prime Minister Najib Nazak, Indonesia President Joko Widodo, Laos Prime Minister Thongloun Sisoulith, Thailand Prime Minister Prayut Shan-ocha at Japan Prime Minister Shinzo. BOBBY TICZON

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply